Pilipinas nakilahok sa inaugural InnoEX sa Hong Kong 

[ad_1]



























Home > Overseas











HONG KONG – Nakilahok ang Pilipinas sa “Business Roundtable on ASEAN Smart City Development” noong April 13 na ginanap sa sa Hong Kong Convention and Exhibition Centre o HKCEC. Bahagi ito ng inaugural o kauna-unahang InnoEX na idinaos noong April 12 hanggang 15 na may temang “Connecting the World with Innovations for Better Living.”  


Mga lumahok sa “Business Roundtable on ASEAN Smart City Development” sa ilalim ng 2023 inaugural InnoEX sa Hong Kong


Ayon pa sa Philippine Consulate General o PCG sa Hong Kong, ang InnoEX ay inorganisa ng gobyerno ng Hong Kong Special Administrative Region o SAR at ng Hong Kong Trade Development Council o HKTDC. 


Pinangunahan nina Secretary of Interior and Local Government Atty. Benjamin “Benhur” C. Abalos, Jr. at Senior Vice President of the Bases Conversion and Development Authority o BCDA Atty. Gisela Z. Kalalo ang delegasyon mula sa Pilipinas. 


Ang exhibition ay nagbibigay ng platform sa mga gobyerno, tech firms, start-ups at innovators na ibahagi ang kanilang innovation and technology (I&T) solutions para sa smart cities, businesses at smart living kung saan mahigit sa 400 exhibitors mula sa pitong bansa at rehiyon ang lumahok tulad ng Pilipinas, Malaysia, Thailand at Vietnam. 


(left) Sina PCG in Hong Kong Consul General Raly Tejada at DILG Sec. Atty. Benjamin “Benhur” C. Abalos, Jr. (right) iba pang opisyal na lumahok sa 2023 InnoEX


Tinalakay ni Secretary Abalos kung paano isinasagawa ang pagtataguyod ng smart at sustainable communities sa Pilipinas sa ilalim ng national vision na “AmBisyon 2040” at ang Philippine Development Plan 2023-2028. Target ng gobyerno na pangunahan ang economic, social, institutional at environmental transformation ng Pilipinas sa pamamagitan ng digitalization, public-private partnerships, servicification, dynamic ecosystems, enhanced connectivity at mas maayos na kolaborasyon sa pagitan ng local at ng national government. Nagsimula na ring mag-invest ang mga Local Government Unit o LGU sa mga uri ng smart solutions at technology innovations.  


Dagdag pa ni Abalos, ilan lamang sa mga isinasagawang smart solutions ng Department of Interior and Local Government o DILG ang mga sumusunod: 


  • digitalization ng LGU registries o databases 
  • paperless o online access sa LGU services 
  • streamlining ng LGU systems at processes tulad ng licensing, digital payment platforms, LGU ICT infrastructure at digital connectivity 


Ginagamit na rin ang teknolohiya sa security at disaster preparedness tulad ng early warning systems at single ticketing system. 



Ibinahagi naman ni BCDA Vice President Kalalo ang New Clark City o NCC bilang isang magandang investment destination. Ang NCC ang kauna-unahang smart, green metropolis sa Pilipinas. 



Bukas ang gobyerno ng Pilipinas sa anumang kolaborasyon sa pribadong sektor, maging ito man ay mula sa dayuhan o Pilipino, para sa patuloy na pagpapaunlad ng smart cities sa bansa.









[ad_2]

Source link